Nagsagawa ng "video conference" ang isang amo kasama ang kaniyang fur babies na mga aso para pag-usapan kung paano pagkakasiyahin ang kanilang dog food supply.

Sa GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing ang virtual meeting ng mga aso ay idea ni Faith Tiangson Pimentel.

Kasama ni Faith sa meeting ang mga alaga niyang sina Enrique, Mozzie, Cucai, Amadea.

Pero sa kalagitnaan ng meeting, tila inaantok pa si Mozzie, habang si Enrique naman, ayos nang ayos sa kaniyang camera. Distracted naman si Cucai.

Sa huli, si Amadea ang nanatiling good girl. —Jamil Santos/LBG, GMA News