Nitong nakaraang linggo, sunod-sunod na naganap ang mga pambihirang pangyayari sa kalangitan tulad ng ulap na kulay bahaghari, ipo-ipo na sabay-sabay na nabuo, at may liwanag na gumuhit sa dilim na kalangitan. Mayroon nga kayang ibig ipahiwatig ang mga ito?

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," ipinakita ang mga larawan at video kaugnay sa mga pambihirang pangyayari na naganap sa kalangitan, lalo na ang sabay-sabay na pagkakabuo ng apat na ipo-ipo sa Laguna lake, na bihirang-bihira umanong mangyari.

Bukod sa paliwanag ng mga eksperto tungkol sa mga pangyayari sa kalangitan na parang mga eksena sa scifi movies, ikinuwento rin ng lalaking nakakuha ng video nang malapitan sa ipo-ipo ang maaksyong paglikas nila para makaligtas sila sa tiyak na kapahamakan. Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News