Sa bayan ng Maria sa Aurora, may dambuhalang sawa na pinaniniwalaang umaatake sa mga alagang hayop ng isang tribu. At ang ebidensiya raw na talagang malaki ang sawa, ang isang video na isang buong baboy ang nakuha sa loob ng tiyan.

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," sinabing 2015 ang naturang video nang mahuli ang sawa na umatake sa alagang baboy ng katutubo.

Pero hanggang ngayon, patuloy pa raw na nawawala ang iba pa nilang mga alagang hayop kaya naman susubukan nilang hanapin ang pinaniniwalaan nilang isa pang dambuhalang sawa na nasa kanilang paligid. Mahuli kaya nila ang sawa? Panoorin.
--FRJ, GMA News