Nabalot ng dilim ang isang lugar sa Malabon nang sumabog ang linya ng kuryente dahil sa malaking sawa na sumabit sa poste. Pero hindi raw ito ang unang pagkakataon na may nakitang sawa sa kanilang lugar.

"Nagulat kami saan manggagaling 'yon napakalaki," ayon sa isang residente.

Nang makuha ang sawa sa poste, sinabi ng isang barangay tanod na gumalaw pa ito habang naghahanap sila ng paglalagyan.

Pero bakit nga ba may mga sawa na nakikita raw sa kanilang lugar? Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho." --FRJ, GMA News