Nagkagulo ang isang pamilya at mga kapitbahay nila sa Davao City nang kumalat ang balita na isang buhay na isda ang pumasok sa tenga ng isang bata.

Sa video ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," makikita na buntot na lang ng isdang "Ibis" ang nakalabas sa tenga ng pitong-taong-gulang na batang lalaki.

Naglalaro raw ng skimboard ang bata sa dagat nang makita nila ang pagdagsa ng maliliit na isda. Hanggang sa maramdaman niya na may gumagalaw at masakit sa isa niyang tenga.

Nang umuwi ang bata at naligo, doon na nakumpirma ang isda. Maalis pa kaya ang isda o tuluyang makapasok sa tenga ng bata? Panoorin ang video ng "KMJS."

--FRJ, GMA News