Kakaibang sumbong ang natanggap ng Czech police matapos humingi ng tulong ang isang hunter o mangangaso tungkol sa isang usa na tumangay sa kaniyang baril.

Sa ulat ng Reuters, lumitaw sa imbestigasyon na napasugod sa mangangaso ang usa nang matakot sa aso at sumabit sa sungay nito ang baril na 0.22 Hornet rifle ng hunter.

“The rifle, which the hunter had slung over his left arm - fortunately without ammo - slipped on the deer’s antlers and disappeared with him,” ayon sa pulis.

Patuloy ng mga awtoridad, may isang mangangaso na nakakita sa usa isang kilometro ang layo mula sa lugar nang mangyari ang insidente at nasa sungay pa umano ng hayop ang baril.

“The hunters searched the forest but did not find the gun. He had no other choice than to report the incident to the police,” dagdag sa ulat.--Reuters/FRJ, GMA News