Isang empleyado ang nasaktan matapos na umarangkada at magtuloy-tuloy sa loob ng isang bangko sa Quezon City ang isang SUV.

Ayon sa Quezon City Police District, nagkamali umano ng tapat ang driver ng SUV na si Esther Peralta, sa silinyador ng sasakyan habang nasa parking lot sa harapan ng bangko kaninang umaga Barangay Ramon Magsaysay.

 

 

Umarangkada ang kaniyang sasakyan at pumasok sa loob ng bangko at bumangga sa counter.

Nasugatan sa naturang insidente ang kawani ng bangko na si Aireem Marco, 44-anyos, na dinala sa East Avenue Medical Center.

Ayon sa police report, kinokompleto pa nila ang imbestigasyon para sa isasampang kaso laban sa driver.—FRJ, GMA News