Sa halip na appliances o pera, tatlong araw na pahinga na may sahod ang naging pa-premyo sa raffle ng isang kompanya sa kanilang mga empleyado.

Sa programang "Good News," sinabing nasa food and beverages business ang kompanya na nasa Pasig.

Sa video makikita ang pagkagulat ni Shanen Sangrines, nang tawagin ang kaniyang pangalan na nanalo ng nasawing pa-raffle na 3 days leave with pay ang premyo.

Ayon kay Shanen na dalawang taon nang nagtatrabaho sa kompanya, sa dami nilang empleyado na mahigit 100, sapat na sa kaniya ang manalo kahit minor prize lang.

Kaya naman laking tuwa niya nang malaman na siya ang nagwagi. Susulitin daw niya ang tatlong araw na pahinga.

Ayon kay Marlon Santos, HRD ng kompanya, nais ng kanilang pinagtatrabahuhan na maibalik sa mga kawani ang serbisyong ibinibigay nila sa kompanya sa paraan ng self care.

Kaya layunin ng kompanya na maging physically and mentally healthy ang kanilang mga empleyado.

Napag-alaman na nagpa-travel na rin ang kompanya sa raffle gaya ng trip to Boracay plus pocket money for 2.

Mayroon pang P5000 worth of pamper day gaya ng spa at massage.-- FRJ, GMA Integrated News