Inaresto ang isang lalaki sa Matanao, Davao del Sur dahil pananaksak at pagpatay niya sa isang kabayo.

Sa ulat ni Rgil Relator sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Lunes, lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na lasing umano ang lalaki nang mangyari ang insidente.

Sa inuman, sinapak umano ang suspek ng kaniyang kainuman. Pero ang kabayo ang napagbalingan ng galit ng suspek at kaniyang sinaksak.

Bukod sa patalim na ginamit niya sa pagpatay sa kabayo, nakuhanan din umano ng sachet na hinihinalang may laman na shabu ang suspek.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Animal Welfare Act.

Wala pang pahayag ang suspek, ayon sa ulat. -- FRJ, GMA Integrated News