Itinuturing na “best flight ever” ng ilang pasahero ang kanilang karanasan nang masaksihan ang total solar eclipse habang sakay ng kanilang eroplano sa Michigan, USA.

Ang isang lalaki, nag-propose pa sa kaniyang girlfriend habang nagaganap ang astronomical event.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing tila viewing party ang nangyari sa loob ng eroplano nang isuot ng mga pasahero ang kanilang protective lenses para makita ang total solar eclipse.

Nakisama rin ang panahon at mga ulap upang masaksihan nila ang pambihirang astronomical phenomenon.

Nagmula ang eroplano sa Texas at papuntang Michigan sa Amerika.

Sinabi ng ilang pasahero na “absolutely amazing” at “best flight ever” nila ito.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News