Para sa content, lalong bumagal ang daloy ng trapiko sa national highway sa Barangay Poblacion Occidental sa Consolacion, Cebu nang mag-costume at gumapang na tila kuhol ang isang vlogger.
Sa nag-viral na video, makikita ang 29-anyos na vlogger, na gumagapang sa gitna ng kalsada habang naka-costume.
Nakabuntot naman sa kaniya ang naabalang mga sasakyan.
Humingi na nang paumanhin ang vlogger sa kaniyang ginawa pero plano pa rin ng mga awtoridad na ituloy ang pagsasampa ng reklamo laban sa bansa.
Wala pang pahayag sa naturang insidente ang pamunuan ng lokal na pamahalaan ng Consolacion pero ipinatawag na umano ang vlogger para hingan ng paliwanag. -- FRJ, GMA Integated New
