Kinaantigan ng netizens ang kabutihang-loob ng isang mag-asawang pasahero ng MRT-3 na nagbigay ng tulong sa isang ama na karga ang kaniyang batang anak na maysakit.Sa video ni Cherelyn Diaz Respecia, na iniulat din sa GTV Balitanghali nitong Biyernes, makikita ang mag-ama na katabi ang mag-asawa na curious sa kondisyon ng batang maysakit.Patungong ospital ang mag-ama para sa checkup ng babaeng sanggol na isa't kalahating taong gulang pa lang.Nag-usap ang mag-asawa, hanggang sa pasimpleng dumukot ng pera sa wallet ang mister at saka ito iniabot sa ama ng bata.Ayon sa uploader, nag-video siya para lang sana kunan ang kaniyang mag-ama, ngunit tiyempo namang nangyari ang nakaaantig na tagpo sa ipinakitang kabutihan ng mag-asawa.May mahigit siyam na milyong views na ang video sa Facebook, ayon sa ulat. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News