Isang buntis na inabot ng panganganak sa gitna ng matinding pagbaha sa Tamaulipas, Mexico ang tinulungan ng mayor na isang duktor.

Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Huwebes, sinabing hindi na umabot sa ospital ang ginang para manganak dahil sa malakas na ulan at mataas na baha sa kalsada. 

Nagsasagawa noon ng relief efforts ang mayor ng Gonzalez nang makatanggap sila ng isang ulat tungkol sa isang babae na manganganak at na-trap sa baha.

Isa ring doktor ang alkalde kaya tinulungan niya ang babae, na tagumpay na naisilang  ang kaniyang babaeng sanggol sa loob ng isang pickup.

Dinala kalaunan ang mag-ina sa ospital.

Ang masamang panahon sa lugar ay dulot ng tropical storm Barry.—Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News