Nagbigay ng saya at nakipagkulitan ang mga Kapuso star sa mga Ilonggo sa kanilang pagdalo sa Dinagyang Festival sa Iloilo City.
Sa Star Bites report ni Aubrey Carampel, sinabing napuno ng fans ang katatapos lang na "Kambal, Karibal" sa nasabing lungsod, kung saan bigay-todo sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.
Nagkaroon pa ang "BiGuel" love team ng sweet moment sa stage, na nagbigay-kilig sa fans.
Masuwerte rin ang ilan nang maka-bonding na up-close and personal ang dalawa sa isang meet and greet session.
Nakisaya rin si Kapuso It Girl Solenn Heussaff na naghandog ng hot dance moves, na sinabayan niya pa ng pagkanta ng ilang OPM hits. Nakipagsayawan din ang ilang fans kasama ang TV host-actress sa stage.
Naki-celebrate din sa Dinagyang ang cast ng upcoming Kapuso serye na "Contessa" na sina Glaiza de Castro, Jak Roberto at Lauren Young.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News
