Sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account, masayang ibinalita ng Kapuso star na si Kris Bernal na napapanood na sa Ecuador ang pinagbidahan niyang serye na "Impostora," kung saan dalawa ang kaniyang naging karakter.
Sa caption ng kaniyang video post, nagbalik-tanaw si Kris sa naging hamon sa kaniyang kakayahan na gumanap sa dalawang karakter na isang mabait at isang masama sa serye.
Naka-tag at biniro ni Kris ang kaniyang leading man sa serye na sa Rafael Rosell na magaling siyang mag-espanyol sa video na ipinapalabas sa Ecuador.
"Ang galing ko mag-espanyol ah! Look, @rafrafrosell, @jojoaleta Hihi! The show that I didn’t have a life! All scenes required a lot of work to make it convincing for one actress to play both the good and the bad. There’s a lot you didn’t know. There were moments when I had to recover and figure out who I really was after 8 months the two characters had been living with me. #Impostora," ani Kris.
Samantala, mapapanood naman sa GMA ang Thailand version ng "Princess Hours" nina Kathleen at Ian.
Mapapanood ito simula sa July 18, pagkatapos ng "Inday Will Always Love You."-- FRJ, GMA News
