Nilinaw si Kris Bernal sa online show na "ArtisTambayan, na malapit pa rin sa katotohanan ang horror-thriller series nilang "Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko" kahit pa may nagkomento na wala naman daw multong nagre-rape.

Sa naturang serye, ginagampanan ni Kris ang karakter na multo na si Naomi, na dating karelasyon ni Mateo na ginagampanan naman ni Reyver Cruz. Pero hindi sila nagkatuluyan ay pinakasalan ni Mateo si Evangeline na karakter ni Megan Young.

Nang mamatay si Naomi, dito na nagbalik ang kaniyang kaluluwa para guluhin at patuloy na habulin si Mateo.

Paliwanag ni Kris, nagbabasa siya ng mga comment sa Youtube kung saan napapanood ang mga episode ng kanilang serye. Doon niya nababasa ang ilang komento na walang multo na nangre-rape gaya ni Naomi.

Ngunit depensa ni Kris, may mga insidenteng tinatawag umanong succubus at incubus kaya naman makatotohanan pa rin ang kanilang serye.

Kasabay nito, inilahad din ni Kris ang mga challenges ng pagganap ng isang multo. Panoorin.


Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
 

--Jamil Santos/FRJ, GMA News