Limang tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nasawi sa pananambang na naganap sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.

Ayon sa pahayag ni Bangsamoro Government chief minister Hon. Abdulraof Macacua, naganap ang pag-atake nitong Sabado ng gabi.

Wala pang inilalabas na karagdagang detalye tungkol sa insidente, ngunit tiniyak ni Macacua na isinasagawa na ang masusing imbestigasyon.

“The Bangsamoro Government strongly condemns the ambush incident that occurred this evening in Shariff Aguak, Maguindanao del Sur… We have directed the concerned ministries to immediately undertake a thorough investigation, in close coordination with law enforcement agencies, to ensure that the perpetrators of this heinous act are swiftly identified and held accountable to the full extent of the law,” ayon sa opisyal.

Nagpaabot din siya ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima at sinabing ibibigay ang kinakailangang tulong.

Nanawagan din siya sa mga mamamayan sa rehiyon ng Bangsamoro na manatiling kalmado habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. —Jiselle Anne C. Casucian/FRJ GMA Integrated News