Babaeng nasawi sa tama ng ligaw na bala sa Tondo, nakipasko lang sa lugar ng nobyo
DISYEMBRE 26, 2025, 11:19 PM GMT+0800
SINULAT NI GMA INTEGRATED NEWS
Bumisita lang sa lugar ng nobyo para makipagdiwang ng Pasko ang babaeng nasawi matapos tamaan ng ligaw na bala sa Tondo, Maynila noong Huwebes. Ayon sa pulisya, nagkaroon ng barilin sa lugar at iniimbestigahan pa ang insidente.