Arestado ang isang lalaki sa Indiana sa Estados Unidos matapos niyang atakihin ng baseball bat ang isa pang lalaki.
Ang dahilan umano ng kanilang away? Mga comment sa social media.
Ayon sa ulat ng theindychannel.com, inaresto si John Pheral, 22, ng Columbus Police Department ng mga 4:30 ng hapon. Ayon sa biktima, pinalo siya ni Pheral sa likod ng binti ng baseball bat. Sinubukan niyang kunin ang bat, pero tinamaan siya nito muli.
Ayon sa mga testigo, tumakbo sa kalye si Pheral at pinalo ang biktima, bago pumasok sa isang bahay.
Nahaharap si ang suspek sa kasong battery with a deadly weapon, intimidation against a law enforcement officer, intimidation - threats to commit a forcible felony, at disorderly conduct. —JST, GMA News
