Tuwing Semana Santa, isa sa tradisyon ng mga Pilipino ang Karidad, o pagpapakain sa pagtatapos ng Pabasa ng Pasyon, at sa mga taong sumasama sa prusisyon o “pag-ilaw” sa Biyernes Santo. Ano nga ba ang mas malalim at espirituwal na kahulugan ng gawaing ito? Alamin.

Si Marites Regala ng Parañaque City, 13 taon nang panata ang Pabasa para pagnilayan ang buhay ni HesuKristo at iba pang mga karakter sa Biblia gaya nina Marta, Maria at Lazaro, at Maria ng Betania.

May katungkulan sa St. Joseph Parish sa Barangay Tambo bilang isang Katekista, bahagi ng Bible Apostolate at Basic Ecclesial Communities Coordinator, si Marites ang nangangasiwa sa mga kaparokya na magtipon at sumali sa mga Pabasa.

“So we gather all our areas pati na rin po ‘yung mga tao, we welcome them to participate. So this is a prayer, one book po. Ito ‘yung Pagpapakasakit, Pagkamatay at Muling Pagkabuhay,” kuwento niya.

Kasabay ng Pabasa ang pagsasagawa niya ng pa-karidad o pakain sa mga taga-basa, pati na rin sa ibang tao.

“Ito rin ‘yung pagre-reach-out namin para malaman ng mga tao why we are doing this. Kasi nga, ginugunita natin ‘yung Paschal Mystery ni Hesus,” sabi niya.

“So, mas [napupuno] ang puso ko kapag gumagawa ako ng kabutihan. Kasi naging panata ko na ‘yun every year I have to finish this (Pabasa). So, ‘yun po ang encounter ko sa Kaniya,” ani Marites, na katuwang ang kaniyang asawa sa paghahanda.

Bukal sa kalooban niya ang paghahanda para sa mga kapwa niya mananampalataya.

“Sa aking expenses ‘yun lahat. So, it's okay for me. Tapos, nagtutulong kami ng asawa ko, siya ang nagluto, namalengke na kami kahapon (Miyerkoles Santo). And then, we give it today (Huwebes Santo),” pagpapatuloy niya.

“So, iyon ang ginagawa ko. Masaya po ako ‘pag ginagawa ko. I even have to give food. Para ngayon, I have to give food. Hindi ako nanolicit (solicit),” dagdag niya.

Hindi lamang tuwing Semana Santa nagbabahagi ng kaniyang biyaya si Marites, kundi tuwing nagkakaroon din sila ng mga feeding program para sa mga bata, kasabay ng pagbibigay ng Katesismo at mga regalo.

“We gather din mga 100 dapat na bata. This is from different areas. And then, tinuturuan ko po. This is especially for Mama Mary, kasi may flower. And then, meron silang mga regalo na natatanggap sa culminating na po, binibigyan namin,” dagdag niya.

Para kay Regala, ang pa-Karidad ay ang pagbabahagi ng biyayang natatanggap mula sa Panginoon.

“Nakikita po ng mga tao, ‘What's that?’ Sabi ko, ‘Kasi you have to give it to the people also. You have to reach out to those people,” saad niya.

“I have to share what I have. Kasi blessing po ‘yun. You have to share your blessing also. Kasi, mula na nag-serve ako dito, may blessing. Alam ko may blessing sa'kin si Lord,” dagdag pa niya.

Sa panayam sa GMA News Online, sinabi ni Monsignor John Bañas Brillantes ng Military Ordinariate of the Philippines at kasalukuyang guest priest sa Cathedral Parish of Saint Andrew sa Parañaque, na marami sa mga tradisyong Katoliko ng mga Pilipino ang nanggaling sa mga Espanyol, kabilang na ang Pabasa.

Ayon sa kaniya, nakita ng mga Espanyol ang pagkahilig ng mga Pilipino sa mga kuwento, kung kaya nila nabuo ang Pabasa.

“People love to listen to stories. So they composed this Pabasa. ‘Yung Pabasa, kung titignan mo ‘yung text niya, it's salvation history from the beginning of the Bible until the last judgment,” paliwanag ni Monsignor John.

Kasama na ng Pabasa at prusisyon tuwing Semana Santa ang Karidad, o pagpapakain sa kapwa, kabilang ang pag-aalok ng tubig, tinapay at simpleng meryenda sa mga pagod na deboto.

Ayon kay Msgr. John, ang salitang “caridad” ay salitang Espanyol, Caritas sa Latin at “charity” naman sa Ingles, na tumutukoy sa pinakamahalagang utos na, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, buong kaluluwa mo, at buong pag-iisip mo,” at “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili (Mateo 22:36-40).”

“So, charity is the expression of love of neighbor,” ani Msgr. John.

“Indispensable yan of being a Christian. You cannot just love God. It's not only you and God, but you have to be aware also of the existence of other individuals who also are special to God,” pagpapatuloy niya.

Katunayan, idiniin ni HesuKristo sa Mateo 25 na ang pagpapakita ng karidad o charity ang sukatan kung paano hahatulan ang tao sa Huling Paghuhukom.

“Did you feed the hungry? Did you clothe the naked? Did you visit the sick? Whatever you have done to these least of my brothers, you have done unto Me,” pagbubuod ni Msgr. John. “So, as you see, this will be the measure by which we will be judged by how we also love our neighbors, not only by how we love God.”

“It is the distinguishing mark of the followers of our Lord Jesus Christ by which we will be able to evangelize also others,” dagdag niya.

 

(Monsignor John Bañas Brillantes)

Kaya naman ang karidad ang siya ring sentro ng pag-alala ng Banal na Hapunan tuwing Huwebes Santo.

“And during the Last Supper, our Lord Jesus Christ, after washing the feet of His apostles, He said to them, the new commandment I give you, love one another. So, it's not only a part of the practice of loving one another, but He's telling His disciples who will be proclaiming His love to be models of charity,” sabi ni Msgr. John.

Ipinunto pa ng Monsignor na ang pagmamahal o “charity” ang tanda o “trademark” ng mga sinaunang Kristiyano na hinangaan ng mga pagano.

“The pagans would say, ‘Look at them, look how they love one another.’ So, they were impressed by that. So, the Christians were known because of their love for one another, for their charity,” sabi ni Msgr. John.

Ipinunto din niya na ang pagpapa-“karidad” o pagpapakain tuwing Semana Santa ay nagtuturo sa isang Kristyano na huwag maging sakim.

“In the first place, that's also one of the aspects by which we practice charity, and charity which is a remedy for the temptation of the world. The temptation of the world that makes us self-centered, nakasentro sa atin ang lahat. ‘Akin ito, akin ‘yan. Deserve ko ito.’ Temptation of the world ‘yan. Naka-focus ka sa self,” sabi niya.

“‘Yung charity, it's you go out of yourselves. Hindi mo lang tinitingnan ano ‘yung kailangan mo. Naging sensitive ka rin, ‘Ay, kailangan ko ba?’ So, i-share ko rin ito. Hindi na ako ang nangailangan nito. Hindi ako ang sentro ng mundo na ito,” dagdag ni Msgr. John.—FRJ GMA Integrated News