Sa kaniyang Weverse message nitong Huwebes, pinasalamatan ni Manon ang fans na walang sawang kumukumusta sa kaniya noong kaniyang break.
“I’m really grateful for the patience and kindness everyone has shown during this time,” sabi niya.
Kasabay nito, ibinahagi niyang maganda ang pakikipag-usap niya kamakailan sa Hybe at Geffen.
“HxG and I are having positive conversations and I feel supported. I'm happy and I'm healthy. I'll share more soon. Thank you for always being there for me,” sabi ni Manon.
Ito ang kaniyang ibinahagi sa kabila ng mga espekulasyon ng fans tungkol sa estado niya sa grupo, kung saan mapapansing hindi siya kasama sa promotional content kamakailan para sa upcoming single nilang “Pinky Up.”
Sinabi ng Katseye noong Pebrero na si Manon ay magbe-break muna "to focus on her health and wellbeing."
Nakatakdang magtanghal ang Katseye sa Coachella sa Abril 10 at Abril 17.
Nag-debut ang grupo noong 2023 at binista ang Manila noong 2024 para sa fan showcase, appearances, at collabs.
Kilala ang Katseye para sa kanilang mga kanta na “Gabriela,” “Gnarly,” “Gameboy,” "Touch," at "Debut.” —Jamil Santos/LDF GMA News
