Arestado ang 11 suspek, kabilang ang dalawang menor de edad, matapos silang mahulihan ng halos pitong kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa loob ng isang hotel sa Tondo, Maynila, Biyernes ng gabi.

Inihayag ni Superintendent Gerry Corpuz, hepe ng MPD Station 1, na naaktuhan ng mga pulis ang ginagawang pagre-repack ng mga suspek sa mga bloke ng marijuana sa loob ng hotel.

Ayon kay Corpuz, nanakuha ng lead ang kanyang mga tauhan makaraang ituro ng isang menor de edad na sa hotel siya kumukuha ng marijuana.

Dinala na sa MPD Station 1 ang mga naaresto.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang kabuuang halaga ng nahuling marijuana at kung sino mga nasa likod ng kontrabando. —Jamil Joseph Santos/LBG, GMA News