Hinangaan kamakailan ang isang male candidate matapos proud na rumampa para ipakita ang kaniyang curvy figure sa swimwear portion ng Mister Pampanga 2026. Ano nga ba ang kuwento ng kaniyang buhay? Alamin.
Sa nakaraang episode ng “Good News,” ipinakilala si Richard Jermaine Perkins o RJ, na half Pinoy, half Irish-Canadian, na ipinanganak at lumaki sa Angeles, Pampanga.
“I grew up in a family of all girls. And kasama ko po 'yung mga lola ko po tsaka titas ko po. Dito naman po sa Pinas, mas nag-e-enjoy po ako,” sabi ni RJ.
Hanggang sa lumipat ang kanilang pamilya sa Canada at doon niya ipinagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.
Taong 2019 nang umuwi sa bansa si RJ para subukan ang kaniyang kapalaran na maging isang model o aktor sa show business.
“Not a lot of people know this, but as of the moment, I'm alone. I live alone. So for me to pursue this whole path, they weren't really that supportive, I would say. So it's been more of a solo dream. It's not a path that they would want me to push,” sabi niya.
Kahit tila tutol ang kaniyang pamilya, sinuportahan naman si RJ ng kaniyang lola na si Mama Mai.
“My lola has been a big inspiration to me and she's also one of the very first people that persuaded me to join the industry. When I was very young, I was very shy. In every family gathering, she would tell me, ‘J, dance, sing in front of the crowd, in front of the family and everything.’ And from that moment on, sabi ko, this is the kind of path I want,” kuwento niya.
Kalaunan, namaalam na ang kaniyang lola.
“One thing that my lola said before she passed away was, she wants to see me one last time on the screen and sana make it,” ayon pa kay RJ.
Nasa edad 14 RJ nang lumahok siya sa isang talent search na nagbukas sa kaniya ng pinto sa entertainment industry.
Namulat siya sa kalakaran ng industriya na mahalaga ang pisikal na anyo ng isang artista.
Ngunit dahil sa pagod at pagpupuyat, naisantabi ni RJ ang sariling kalusugan na humantong sa kaniyang sobrang pagkapayat at unhealthy lifestyle.
Dumagdag pa sa kaniyang stress ang natatanggap na kritisismo mula sa ibang tao.
“I think growing up because I was a foreigner, I'd usually get a lot of words thrown at me. Sometimes when I would go to school, they would say I don't normally belong there. They would always say the meanest things,” pagbabalik-tanaw niya.
“The worst part about it was, it did get to me at some point. It went to the part where I took a break from pursuing my dream for three years,” sabi pa niya.
Bumalik si RJ sa Canada at inilaan ang oras sa pag-aaral at pagtatapos sa kolehiyo.
Natupad ang pangarap ng kaniyang pamilya na makatapos siya ng pag-aaral at makakuha ng corporate job, matapos siyang pumasok sa real estate sa Canada.
Gayunman, tila muling tinatawag si RJ ng entablado at ng kaniyang mga tagasuporta para tuparin ang naudlot niyang pangarap at bumalik sa Pilipinas.
Taong 2022 nang muling umuwi sa bansa si RJ para hanapin ang kaniyang lugar sa pinapangarap na showbiz industry.
Sa pagkakataong ito, pumasok naman si RJ sa mundong ng pageantry. At dito na nag-umpisa ang kaniyang karera sa Mr. Pampanga 2026.
Ngunit sa kaniyang pagbabalik, muling sinubukan ng panahon si RJ, nang maaksidente siya sa motorsiklo at napinsala ang kaniyang kaliwang paa.
Sa kabila ng hirap, pinilit ni RJ na gumaling at agad na makalakad.
Sa kaniyang pagpapagaling, doon naman biglang dumagdag ang kaniyang timbang dahil sa ginamit na steroids sa kaniyang gamot.
“In that process, it made me bloat more. It made me add more water weight than I was supposed to. In that one week po,” sabi niya.
Dahil dito, napadalas ang pagbisita niya sa gym.
“Right now, my goal is to hopefully cut down to a leaner physique in the sense where I'm more fuller with muscles. I'm not gonna go back to being skinny skinny but I wanna have more muscles more into the hunk kind of type po,” ani RJ.
Para sa kaniya, hindi dapat maging hadlang ang dagdag-timbang para abutin ang pangarap.
“When I gained the weight, I was actually even much more happier. I always remember what my lola used to say where when she saw my cheeks more squishier and fuller, she would always be so happy,” ani RJ.
Nitong Abril, loud and proud si RJ na rumampa nang buong-buo ang kumpiyansa sa sarili dahil para sa kaniya, nakikita ang totoong kagandahan sa kung gaano ka-proud ang isang tao sa kaniyang katawan.
Mas nagpataba rin ng kaniyang puso ang maraming netizen na nag-yes sa body positivity.
Ibinahagi ni RJ ang komento na naantig ang kaniyang puso.
“I remember someone reached out through messaging me and 'yung sabi niya po was, ‘I've dealt with my weight for a long time and I've been bullied for being overweight. After seeing you walk that walk, I feel so proud and confident. Tapos nag-post din po siya ng photo afterwards there. And it was so, sobrang nakakatawa po.’”
Kilalanin pa si RJ na sumalang sa isang Question and Answer portion, at ang madamdamin niyang mensahe sa kaniyang lola na nagbigay ng motibasyon sa kaniya. Panoorin. – FRJ GMA News
