Natukoy na ng mga awtoridad ang apat na persons of interest (POIs) sa pagpaslang sa isang district supervisor ng pampublikong paaralan sa Alicia, Zamboanga Sibugay.
Sa ulat ni Efren Mamac sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Martes, sinabing batay sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng may kinalaman ang krimen sa trabaho ng biktima..
Binaril ang napatay ang 45-anyos na biktima na si Rey Camaingking, district supervisor ng Olutanga District, sa Sitio Guicam, Barangay Dawa-Dawa noong Abril 30, 2026.
Ayon sa pulisya, pauwi na ang biktima matapos dumalo sa isang aktibidad sa paaralan nang barilin siya ng mga suspek na makasakay sa motorsiklo.
Kinondena ng Department of Education (DepEd) ang pagpatay at nanawagan ng hustisya.
“During sa conduct of investigation is sa trabaho. We have four POI. Ongoing pa ang case build-up para makonek nga kani gyud sila mao ang tanang POI,” Zamboanga Sibugay Police Provincial Office Spokesperson, Lt. Gina Magnaye. –FRJ GMA News
