Isang lalaking suspek sa rent-sangla scam ang inaresto ng mga pulis, ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Miyerkoles.
Inaresto ng mga awtoridad si Joven Mañalac Aycardo sa España, Maynila.
Tinangay umano ng suspek ang limang sasakyang pinarerenta at isinangla ang mga ito.
Binatukan at sinuntok ng ilan sa kanyang mga biktima ang suspek nang makita nila ito sa presinto.
Aminado ang suspek na nagawa niya ito dahil sa pagkalulong sa sugal. —KG, GMA News
