Isang 10-buwang gulang na sanggol sa Balanga, Bataan, ang nalunod  sa bahang dulot ng high tide at ulan, ayon sa ulat ni James Agustin nitong Huwebes sa Unang Balita.

Ayon sa ulat, nahulog ang bata sa abot-tuhod na baha mula sa kawayang higaan niya.

Sinabi ng 16-taong gulang na ina ng sanggol na nangyari ang insidente nang siya ay nakatulog matapos bantayan ang bata ng buong gabi.

"'Di ko na po namalayan na nagising po yung anak ko. Nalaglag po siya. Hindi ko po talaga naramdaman," sabi nito.

Sinubukang i-resuscitate ang bata bago ito isinugod sa ospital ngunit namatay din ito. —Rie Takumi/KBK, GMA News