Hindi bababasa 100 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang masunog ang may 40 na mga bahay sa Barangay 849, Zone 93 sa Pandacan, Maynila.
Tinupok ng apoy ang hilera ng mga bahay na nasa eskinita ng Ilang-Ilang Street, na karamihan ay gawa sa light materials.
Nagsimula ang apoy bago mag-alas dyes noong Biyernes ng gabi at umabot sa ikatlong alarma.
Tumagal ng tatlong oras ang sunog bago ito idineklarang fireout sa ganap na 12:57 ng madaling-araw.
Ayon kay Senior Inspector Lucio Albarasin, Investigation Division Chief of BFP-Manila, tinatayang P500,000 ang halaga ng pinsala sa ari-arian na natupok ng apoy.
Iniimbestigahan pa ang sanhi ng pagsiklab ng apoy.
Wala namang nasaktan o nasugatan sa insidente.
Ang mga nasunugan, pansamantalang tutuloy sa isang basketball court sa barangay. —LBG, GMA Neews
