Isang residential-commercial building sa Navotas City ang nasunog nitong Huwebes ng gabi at sinira ng apoy na sumiklab pasado alas-onse ng gabi ang buong gusali hanggang sa bubong nito.
Masuwerte naman umanong walang nasaktan sa sunog na umabot sa unang alarma, at pati ang mga alagang hayop ng pamilya na nakatira doon ay nailikas.
Nangyari ang sunog sa Barangay NBBS Proper, Agora sa Navotas.
Natutulog umano ang isang pamilya Corpuz nang mangyari ang sunog.
Pahayag ni Barangay Captain Rey de Saville sa Unang Balita, sinabi umano sa kanya ng may-ari ng gusali na maaaring electrical failure sa may tapahan sa ground floor ang sanhi ng sunog na nakontrol dakong 12:20 ng madaling-araw.
Iniimbestigahan na ang Bureau of Fire Protectdion ang sunog. —LBG, GMA News
