Inihayag ng Malacañang na hindi pinapayagan ang mga mangingisdang Chinese na manghuli ng isda sa Recto Bank, na sakop ng Philippines' exclusive economic zone.

Ginawa ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang pahayag nitong Lunes, kaugnay sa insidente ng paglubog ng bangka ng mga mangingisdang Pinoy sa Recto Bank matapos umanong mabangga ng barkong pangisda ng mga Tsino.

Sa pulong balitaan, tinanong si Panelo kung pinapayagan ba ang mga Chinese na mangisda sa naturang lugar, tugon ng opisyal, "Ang sagot diyan siyempre hindi."

"Pero hindi pa natin alam kung nagpi-fish sila doon," dagdag niya. "Basta teritoryo natin, nandun sila, mali 'yon siyempre."

Iginiit din ni Panelo na hindi alipin kahit nino man ang mga Filipino, batay na rin sa sintimyento ng may-ari ng lumubog na bangka.

ADVERTISEMENT

"Siyempre, the response is we can never be slaves to anyone. That includes every country in the world,” sabi ng tagapagsalita ng pangulo.

READ: Lacson defends Duterte’s silence on Recto Bank collision incident

Muli ring idinepensa ni Panelo ang pananahimik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu.

“We are responsible. We are cautious, the President is,” saad niya. "The President, as a lawyer and as President, will have to wait for all the facts to set in before he makes a declaration or any move."

READ: Ramming of PHL boat in Recto Bank unintentional —DOE's Cusi

Una rito, iginiit ng mga mangingisdang Pinoy na sadyang binangga sila ng barko ng mga Tsino at basta iniwan sa dagat.

Nakaligtas sila sa tulong mga mangingisdang Vietnamese.

Sa inilabas na pahayag naman ng Chinese Embassy, kinumpirma nilang mga Chinese na ang nakabangga sa mga mangingisdang Pinoy.

Pero paliwanag umano ng kanilang mga kababayan, aksidente ang nangyari at tila nais silang kuyugin ng nasa pitong bangkang mangingisdang Pinoy.— FRJ, GMA News