‘Miracle water’ sa isang ilog sa Lanao del Sur, dinadayo dahil nakagagaling umano ng mga sakit?
DISYEMBRE 2, 2025, 8:50 PM GMT+0800
SINULAT NI JAMIL SANTOS,GMA INTEGRATED NEWS
Dinarayo ngayon ang isang ilog sa Butig, Lanao del Sur dahil sa umano’y “miracle water” nito na kapag ininom, nakapagpapagaling daw ng iba't ibang uri ng sakit. Ngunit sa isang pag-aaral, sinabing hindi ito ligtas inumin.