Cookies na ‘dalagang bukid’ sa Batangas, gawa ba sa naturang uri ng isda?
DISYEMBRE 3, 2025, 10:31 PM GMT+0800
SINULAT NI JAMIL SANTOS,GMA INTEGRATED NEWS
Kapag dalagang bukid ang pinag-usapan, madalas na isdang makulay at malaman ang unang papasok sa isip ng mga tao. Pero sa Ibaan, Batangas, hindi sa palengke mabibili ang dalagang bukid, kung hindi sa bakery dahil isa itong uri ng cookies.