Joy Cancio, ikinuwento kung bakit siya nalulong noon sa casino
ENERO 8, 2026, 10:47 PM GMT+0800
SINULAT NI JAMIL SANTOS,GMA INTEGRATED NEWS
Ibinahagi ng dating manager na si Joy Cancio na dati siyang nalulong sa casino, na nakaapekto sa pakikitungo niya sa mga alaga niyang SexBomb Girls. Ikinuwento rin niya kung papaano siya muling bumangon sa naturang pagkakamali.