Ama, napatay sa saksak ang kaniyang asawa at anak sa Bukidnon
ENERO 14, 2026, 10:48 PM GMT+0800
SINULAT NI GMA INTEGRATED NEWS
Nasawi ang isang 54-anyos na ginang at 34-anyos niyang anak na lalaki matapos silang saksakin ng kanilang 65-anyos na padre de pamilya sa Damulog, Bukidnon. Ang ugat ng krimen, ang pagtatalo umano ng mag-ama dahil sa panabong na manok na inilaban ng suspek.