Pabahay na para sana sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda,’ bakit hindi pa rin napapakinabangan?
DISYEMBRE 2, 2025, 12:22 AM GMT+0800
SINULAT NI GMA INTEGRATED NEWS
Nang tumama ang Super Bagyong Yolanda, marami ang nawalan ng tirahan sa Visayas region. Ang mga biktima ng kalamidad, nabuhayan ng pag-asa nang mabalitaan nila ang gagawing pabahay para sa kanila. Gayunman, makalipas ng maraming taon, ang pabahay, hindi pa rin lubos na napakikinabangan at marami ang tinubuan na ng halaman.