1 OFW, nasa ospital kaugnay ng sunog sa Hong Kong; 19 pang Pinoy, ligtas na
NOBYEMBRE 27, 2025, 10:08 PM GMT+0800
SINULAT NI GMA INTEGRATED NEWS
Umakyat na sa 65 ang nasawi sa sunog na tumupok sa pitong high-rise building sa Tai Po District, Hong Kong. Kabilang naman sa mga dinala sa ospital ang isang overseas Filipino worker (OFW), habang 19 na iba pang Pinoy ang kompirmadong ligtas na.