Nagsagawa ng sariling kampanya kontra-droga ang mga residente ng Baseco Compound sa Tondo, Maynila nitong Sabado ng umaga.
Kabilang sa mga lumahok ang mga estudyante at kanilang mga guro, ayon sa ulat sa Balitanghali Weekend ng GMA News TV.
Bitbit pa nila ang mga placard na may mga slogan kontra-droga.
Isa raw ito sa mga paraan ng mga residente para mahinto ang paggamit ng ilegal na droga sa Baseco Compound. —KG, GMA News
