Namatay sa pamamaril ang anak ng dating kampyon sa boksing na si Rolando Navarrete.
Ayon sa ulat sa QRT, nagkalalad ang biktimang si Rolando Navarrete II kasama ang live-in partner niya pasado 7:30 ng gabi para bumili ng pagkain nang sila ay tambangan.
Dumaan ang isang motorsiklo at binaril ng angkas sa likod ang biktima.
Agad isinugod si Navarrete sa ospital ngunit siya ay idineklarang dead-on-arrival.
Nakatakas naman ang mga salarin.
Mayroong narekober na dalawang basyo ng libre .45 na baril sa pinangyarihan ng krimen.
Si Navarrete II ay dati nang sumuko sa mga awtoridad dahil sa paggamit ng ilegal na droga. —Joahna Casilao/NB, GMA News
