Patay ang isang lalaki matapos mahagip ng tren sa Tondo, Manila maaga nitong Miyerkules nang umaga.

Sa Ulat ni Isa Avendaño-Umali sa Dobol B sa News TV, kinilala ang biktima na si Florante Aguilar Dupan, 54, at residente ng Barangay 152, Zone 4 ng Maynila.

Ayon sa mga pulis ng MPD Station 11, ang biktima ay nagtatrabaho sa engineering department ng Manila City Hall.

Sa paunang imbestigasyon, at batay na rin sa kuha ng CCTV sa lugar, tumawid ng riles si Florante upang bumili ng pandesal para sa almusal nang mahagip siya ng tren sa Triangulo-Solis.

Pumailalim siya at nakaladkad ng tren at halos mahati umano ang katawan, ayon sa ulat.

Dead on the spot ang biktima at nabasag ang kaniyang ulo. —LBG/FRJ, GMA News