Nagpositibo  sa African Swine Fever virus ang skinless longganisa at picnic hotdog ng Mekeni Food Corporation.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Lunes, sinabing base ito sa resulta ng isinagawang pagsusuri ng  Bureau of Animal Industry.

Nauna nang nagsagawa ng voluntary recall ang Mekeni sa mga nasabing produkto.

Inimbestigahan pa kung saan galing ang karneng ginamit sa skinless longganisa at hotdog na may ASF.

Sa inilabas na pahayag ng Mekeni, sinabi nito na lagi silang sumusunod sa mga patakaran ng pamahalaan at ang lahat daw ng produkto nilang may karneng baboy, inalis na nila sa merkado, naka-quarantine na at pinasusuring muli.

Tigil-operasyon na rin daw ang processing area nila para sa mga produktong may karneng baboy para ma-disinfect ito.--FRJ, GMA News