Sugatan ang isang traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) nang makaladkad ng isang SUV sa Sta. Cruz, Manila.

Sa ulat ng Super Radyo dzBB nitong Sabado ng hapon, kinilala ang biktima na si Adrian Lim ng MTPB.

ADVERTISEMENT

 

Batay sa paunang imbestigasyon, nangyari ang insidente sa Gelinos Street malapit sa panulukan ng Laong-Laan St., Sta. Cruz, Manila.

Kinilala naman ang suspek na si Orlando Ricardo Dizon Jr., 54,  na taga-Gonzales Drive, Doña Pilar Compound, Batasan Hills, Quezon City.

Nasakote si Dizon sa kahabaan ng Oroquieta St. malapit sa panulukan ng Tayuman St.

Ayon sa ulat, agad na naitakbo si Lim sa Jose Reyes Memorial Medical Center, kung saan siya nagpapagaling sa ngayon. —may karagdagang ulat mula kay Peewee Bacuño/LBG/KG, GMA News