Nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque na hindi inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng bra bilang alternatibong face mask.

Paliwanag ni Duque sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, hindi raw kasi porous o walang sapat na hingahan ang mga bra.

Mas mainam pa rin daw na alternatibo ang panyo o basang bimpo bilang proteksyon mula sa ashfall.

Dagdag pa ni Duque, opinyon lang ng isa sa mga assistant secretary ng DOH na maaaring gamiting face mask ang mga bra. —KBK, GMA News