Iminungkahi ni Albay Representative Joey Salceda nitong Lunes na isailalim sa isang linggong "lockdown" ang National Capital Region (NCR) para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19.

Ginawa ni Salceda ang mungkahi matapos kumpirmahan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, Marikina, at Pasig ang kaso ng COVID-19 sa kani-kanilang lugar.

“Everyone is a suspect now, thus, the need for isolation shock,” sabi ni Salceda, chairman ng House committee on ways and means.

Sa panahon ng lockdown, iminungkahi ni Salceda ang mga sumusunod:
•     suspension of classes,
•     work stoppage,
•     no bus trips,
•     no domestic flights, and
•     closure of South Luzon Expressway and North Luzon and Expressway and railways.

Ayon kay Salceda, sa ganitong pagkakataon ay hindi umano masama na maging "overacting."

“The costs of mass community transmission far outweigh the economic losses arising from preemptive actions. Zero casualty doctrine should extend to all emergencies, especially health emergencies,” paliwanag niya.

Batay sa Department of Health, 20 na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Dalawa sa mga ito ang gumaling na, at isa ang nasawi.

Dahil sa pangamba sa COVID-19, nagpatupad ng class suspension sa Martes (March 10, 2020) ang ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila .

• Manila City — all levels, public and private (until March 15)
• Caloocan City — all levels, public and private (until March 11)
• Pasay City — all levels, public and private
• Marikina City —  all levels, public and private (until March 11)

Nagkansela rin ng klase ang Cainta sa lalawigan ng Rizal. — FRJ, GMA News