Kinumpirma ng Department of Health nitong Miyerkules ng gabi ang pagpanaw ng isang pasyenteng Filipina na may coronavirus disease 2019 (COVID-19) at nakaratay sa isang ospital sa Maynila.

 


Sa isang pahayag, tinukoy ng DOH ang nasawi na si Patient 35, 67-anyos, at nakaratay sa Manila Doctors Hospital.

"The Department of Health confirms circulating reports regarding the death of a confirmed COVID-19 patient in Manila. The reported death is the patient with ID PH35 confined at the Manila Doctors Hospital in Manila City," saad ng DOH sa pahayag.

Kumukuha pa umano ng karagdagang impormasyon ang DOH tungkol dito.

Ang naturang babae ang ikalawang COVID-19 patient na nasawi sa Pilipinas. Siya ang unang Filipino na nasawi dahil sa naturang virus.

Isang Chinese national ang unang pasyente ng COVID-19 na nasawi sa Pilipinas.

READ: Pasyenteng Tsino na minomonitor sa San Lazaro dahil sa posibleng nCoV infection, namatay

Nitong Miyerkules ng hapon, inihayag ng DOH na umakyat na sa 49 ang COVID-19 cases sa Pilipinas matapos na madagdagan ng 16 ang panibagong kaso.--FRJ, GMA News