Lumobo sa 64 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas matapos itong madagdagan ng 12 kaso ngayong Biyernes. Dalawa sa bagong kaso, galing sa Makati.
Sa inilabas na pahayag ng Department of Health, sinabing tinutunton na ang mga nakasalamuha ng mga bagong kaso ng COVID-19.
- Patient 53, male/30/Mandaluyong
- Patient 54, male/40/Pasig
- Patient 55, female/59/ for validation
- Patient 56, male/41/for validation
- Patient 57, male/65/for validation
- Patient 58, female/45/Makati
- Patient 59, male/27/for validation
- Patient 60, male/49/Makati
- Patient 61, female/70/for validation
- Patient 62, female/35/for validation
- Patient 63, male/33/Rizal
- Patient 64, male/32/Manila
Wala namang nadagdag na nasawi sa naturang virus na umabot na sa lima.
Inihayag ng DOH na batay sa kanilang datos, ang mga nakatatanda na may average age na 60 ang pinakapeligroso kapag nahawa ng virus.
Bukod sa mga nakatatanda, peligroso rin umano sa virus ang mga karamdaman tulad ng cardiovascular disease, diabetes, cancer, chronic lung disease at immunosuppression.
"Hinihikayat namin ang mga immunocompromised at mga may umiiral na kondisyong pangkalusugan na mas maging maingat at umiwas sa matataong lugar at mga pagtitipon," saad sa pahayag.
Kaugnay sa pag-iingat sa mga nakatatanda, sinuspinde muna ni Makati Mayor Abby Binay ang pribilehiyo sa mga nakatatanda na libreng panonood sa mga sinehan sa lungsod. --FRJ, GMA News
