Dahil pa rin sa pag-iingat sa kumakalat na coronavirus disease 2019 (COVID-19), inanunsyo ng MERALCO ang pagpapalawig sa bayad ng mga kostumer nila na may due date na mula March 1 hanggang April 14, 2020.
"Meralco is one with the country in its efforts to contain COVID-19," saad ng Meralco sa kanilang Facebook post. "Thus, for all Meralco bills due from March 1 to April 14, 2020, we are providing a 30 day extension from your due date."
Ipinagpaliban din ng Meralco ang mga maintenance activities maliban na lang sa mga kailangang-kailangan.
Maaari pa rin umanong makipag-ugnayan sa Meralco sa pamamagitan ng online transaction.-- FRJ, GMA News
