Inihayag mismo ni Education Secretary Leonor Briones na nagpositibo siya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

"As a government official and Cabinet member, and as a Filipino, it is my duty to announce that yesterday afternoon, April 8, 2020, I was informed by the Research Institute for Tropical Medicine that I am positive for SARS-COV-2, the causative agent of COVID-19," saad ng 79-anyos na si Briones sa isang pahayag nitong Huwebes.

Ayon sa kalihim, nagpa-COVID-19 test siya noong Abril 2 matapos na malaman na nagpositibo sa virus ang isang government official na nakasama niya sa pagpupulong.

Wala naman umano siyang nararamdamang sintomas ng sakit pero nakahiwalay na siya sa bahay.

"My body temperature which is taken three times a day, remains normal," dagdag niya.

Sa kabila nito, patuloy umanong magtatrabaho si Briones.

Hinikayat niya ang mga nakasalamuha niya na mag-self-quarantine at obserbahan ang kalusugan. — FRJ, GMA News