Dalawang Chinese nationals na tulak umano ng droga ang naaresto sa Makati City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Nakuha sa mga suspek ang shabu na nagkakahalaga ng halos P50,000 at isang baril.

Todo-tanggi raw ang mga suspek sa paratang sa kanila.

Mahaharap sila sa kasong Illegal Possession of Firearms at Possession of illegal Drugs. —KBK, GMA News