Arestado ang dalawang anak ng isang konsehal sa isinagawang buy-bust operation sa Tondo, Maynila, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

ADVERTISEMENT

Kinilala ang dalawa na sina Janet at Jonathan Fajardo.

Mismong si Manila 1st District Councilor Jess Fajardo ang nagpaaresto sa kaniyang dalawang anak dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa iligal na droga.

Arestado rin ang live-in partner ni Janet na si Michael Kuwaresma at tatlong iba pa.

Nasa kustodiya na ng Manila Police District ang mga suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act.

Wala pang pahayag ang mga suspek. --KBK, GMA News