Ilang gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P2 milyon ang nakuha sa isang lalaki sa loob ng New Bilibid Prison, ayon sa ulat ni Katrina Son sa Unang Balita nitong Martes.

Kinilala ang suspek na si Mark Joseph Segales, na naaktuhan daw nitong Lunes ng hapon na parang may ibabato malapit sa perimeter fence ng Maximum Security Compound sa pagitan ng Tower 2 at 3 sa loob ng Bilibid.

Itinanggi naman ni Segales na sa kaniya ang nasabat na droga. Aniya, niyaya lang daw siya ng isang kaibigan na mag-home service ng gupit sa Bilibid.

"Sinama niya ako papunta rito at pinahawak niya po sa akin yan (droga). Ang sabi niya bigas ang laman niyan," ani Segales.

Tinutugis na ng otoridad ang umano'y kasamahan ni Segales. --KBK, GMA News