Patay sa pamamaril ang isang pulis sa Parañaque City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Pauwi na sakay ng kaniyang motorsiklo ang biktimang si Police Corporal Michael Banaag nang habulin at pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin.

Naka-assign si Banaag sa Regional Public Safety Battalion ng National Capital Region Police Office.

Inaalam na ng mga imbestigador ang motibo sa pagpatay. Sinusuri na rin nila ang mga kuha ng CCTV sa lugar. --KBK, GMA News